Nagsasawa na’ko sa pakiramdam na natatakot at paulit-ulit na hindi alam kung anong gagawin, yung tipong gusto ‘mong iwan yung tao pero biglang matatakot ka. Yung tipong, siya na yung taong sinasabi nila na para sayo pero ikaw naghahanap ka pa’rin ng iba. Pero paano ba kung nararamdaman mo lang talaga na .. hindi siya yung taong para sayo? Na lahat naman ng bagay e, magtatapos ‘din.

Ang hirap.

Zero visibility daw.. pero nakikita ko ang future na’tin. #Ulandi

Dun mo lang pala mararamdaman ‘yung sakit kapag ka pinamukha niya na sayong wala na’rin talaga siyang pakielam sayo o basta, parehas na’lang kayo ng nararamdam. Dun na nawawala yung pagka-kampante mo sa sarili mo na hindi ka niya kayang iwanan kahit anong gawin mo kasi alam mo na mahal na mahal ka niya, pero sa kapipilit ‘mo ngang magising siya at ikaw naman akala mo hindi ka masasaktan o maapektuha, yung nagising na siya sa katotohanan tapos, ramdam na ramdam mo talaga na parehas na kayo. Parehas na kayong walang pakielam, masakit pero sobrang sakit. Pero mas maganda na ‘yon.

Dear future bestfriend (I prefer lalaki),

Halos lahat kasi ng nakikita ‘kong post, puro sa mga dear future boyfriend at saka dati nagpo-post din ako kay Kean, pero magpo-post pa naman ako ng mga letters para sa kanya, pero sa ngayon ang kailangan ko kasi isang bestfriend, kahit na mahirap makahanap alam ko makakahanap ‘din ako. Medyo choosy ako sa lagay na’to ah, pero sa letter na’to gusto ko talaga maging lalake yung bestfriend ko. Hindi sa gusto ko magkaroon ng bestfriend na pwede ‘kong ibigin o kung ano, hindi ko alam kung bakit ba lahat iniisip na ganon. Oo, sabihin na na’ting pupunta sa punto na pwedeng ma-inlove pero gusto ko yung bestfriend na alam kung hanggang saan lang talaga, yung bestfriend na lalake na pwede ‘kong yakapin na walang malisya, pwede ‘kong puntahan araw-araw na hindi nagmumukhang girlfriend - pero bestfriend talaga, yung pwede ‘kong mapagsabihan ng sikreto na kahit sobrang girly siya o kaya naman weird o masyadong TMI, papakinggan niya pa’rin kasi natutuwa siya sayo at siyempre, bestfriend ka niya. Gusto ko ‘rin yung bestfriend na lalake na hindi siya nahihiyang sabihin yung insecurities niya, kung sino yung liligawan niya, at kapag nagkaroon siya ng girlfriend alam niya kung paano imamanage yung girlfriend niya at bestfriend niya, meron kasi yung ibang mag-bestfriend na lalake’t babae nagkakalimutan na’lang kapag ka nakahanap na ng sariling pag-ibig.

Gusto ko yung pagkakaibigan na walang hinihintay na kapalit, hindi yung kailangan malaman pa sa iba yung sikreto ng bestfriend mo bago pa sabihin sayo. Gusto ko yung lalaking bestfriend na masasandalan ko o maiiyakan ko sa lahat ng oras, hindi yung bestfriend material lang, hindi yung bestfriend kapag kailangan namin yung isa’t-isa. Yung totoong pagkakaibigan, gusto ko ng totoong pagkakaibigan.

Anonymous asked: Wag ka pong magalit. siguro nga po na miss interpret ko lang sorry po.

Uy, hindi ako nagalit ano ka ba! Haha mukha ba akong seryoso masyado sa post ko? Meron naman akong, sabi sa huli na pero maraming salamat. Haha, huwag ka matakot. Hindi ako galit. Sorry kung akala mo galit ako, alam ko naman nagsasabi ka lang ng opinyon mo.

Hindi porket pinost mo lahat ng nararamdaman mo at pinakita mo kung sino ka sa blog mo o saan ‘mang-site, ibig sabihin ‘siya’ na talaga ‘yun o makikilala mo na siya. Minsan, kailangan mo munang makasama ng matagal ang isang tao bago mo talaga sila makilala.

Mas maganda talaga kung meron ‘kang tahimik na side e, para masabi mo ‘rin yung mga bagay na gusto ‘mong sabihin. Para malabas mo ‘rin lahat nung mga bagay na matagal mo ng tinatago, pero minsan hindi lang talaga sapat ang blog, mas okay pa’din kung may taong makikinig sayo sa personal. Yung hindi ka huhusgaan at sasabihin lang na, “Nandito ako, sabihin mo kung ano gusto ‘mong sabihin, basta tanggapin kita sa kung sino ka.” Bestfriend. Pero wala naman.

Anonymous asked: Hello! :) wag mo sanang isipin na feeling close at nagengeelam ako sa buhay mo. nabasa ko lang yung blog mo na about dun sa tatay mo. alam mo maniwala ka naman o hindi pareho tayo. ganyan na ganyan din ang tatay ko. lalo na sakin parang hindi ko naramdaman na mahal nyako. pero hindi ko inisip na mag rebelde. dahil kahit papano ay may nanay ako na gumagabay sakin at sinasabihan ako na pag pasensyahan nalang daw. ang hirap no. minsan nakakayamot. pero tatay padin yun. respeto natin. salamat. :)

Ah alam ko naman na kailangan kong respetuhin yung tatay ko sa mga ibang bagay o kaya siguro all the time, pero minsan kasi hindi na siguro sapat yung respeto may mga bagay rin naman kasing hindi lang yun yung nagawa niya. Merong ding ibang bagay na tungkol sa’kin o tungkol sa pamilya ko na hindi ko lang sinasabi. Bali ngayon ko lang binuksan ‘tong personal blog ko, pero maraming salamat sa sinabi mo. Pero hindi naman ako nagrerebelde, iniisip ko pa’rin naman siya minsan, minsan. Pero di na sumagi sa puso’t isipan ko na mahalin siya.

Kakabreak lang, may niligawan na agad? Ano yun unli? Pag na Expire, mag reregister ulit?

Nayayabangan talaga ako sa mga taong.. akala mo maraming alam. Pero ewan ko, ganon naman talaga ‘yon diba? kapag ka nagpapanggap ang isang tao na maraming alam e ibig sabihin mayabang na talaga. Yung mga taong nagsasalita na kala nila tama sila e, iisa ‘rin lang naman ang nais nilang iparating pinaikot lang.

Hindi ko alam.